Claire Ysabelle’s First Birthday Party
Claire Ysabelle’s First Birthday Party3 pm at Villa Librada, Tambubong Bocaue Bulacan
Theme: Tinkerbell
On Feb. 16, 2008, our daughter celebrated her first birthday. We attended mass early in the morning at the Shrine of The Divine Mercy. Sobrang significant ng Shrine na ito sa amin, because 1) this is where hubby and I got married 2) this is the first place I went to after my D&C last 2005, 3) this is the first place we went to after naming malaman na pregnant na ako again, 4) this is where Claire Ysabelle was baptized. O diba!
We started planning Claire’s birthday around August last year. Yes mga sis, halos 6 months in the making sya pero I am glad na ganito kahaba ang naging preparation kasi hindi ko masyadong naramdaman ang gastos. I am happy rin kasi through n@w marami akong nakuhang inputs and nakilala ko si Jhoanne Paris Henson. I am very much thankful to her kasi naging fuss free ang birthday celebration ng baby ko. Laging through text, phone calls and email lang ang communication namin. About sa payments naman, staggard ang naging dating. We just deposit the payment sa account, then she will verify sa bank kung okay na. So before Feb 16, fully paid na ko. Ganun lang kadali ang transaction namin. I have no fear na baka maloko ako or anything kasi feeling ko pag galing sa n@w ang supplier, no problem. Tama ba mga sis? Would you believe, first time namin nag meet dun na mismo sa venue? Katuwa diba?.
I really wanted a Tinkerbell party for her kasi parang wala pa akong masyadong napuntahan na birthdays na may ganung theme so naisip ko, para maiba naman ang laging nakikita ng mga bata, Tinkerbell party naman ang gawin namin and Jhoanne naman was very supportive.
Venue: Villa Librada--- Bulacan
Ratings: 10
At first, sa place ng MIL ko sana gagawin yung party, pero later on we’ve decided na dito na lang sa Villa gawin since yung caterer na nakuha namin, who happens to be our ninang sa kasal owns the place and suggested na sa Villa na lang gawin without any additional payment. So syempre, go kami, kasi maganda naman yung place and hindi na rin kami mahihirapan diba. Jhoanne’s team was there as early as 8 am ata. They had some minor problems with the use of thumb tacks kasi my Ninang doesn’t want them to use thumb tacks kasi baka daw pag hinila ng mga guests yung mga balloons ( mababa lang kasi yung ceiling so pwede talagang mahila) mahulog yung thumb tacks and may makatapak pa. Buti na lang na solve na rin agad.
Another good thing, since may pinapagawa silang resort na halos tapos na rin, nakapag swimming pa ang ibang mga guests namin, well mostly friends ng sister ko and my husband, free of charge. Galing di ba?
Venue Set up/ Balloon Décor: Polkadots Events by Jhoanne Paris Henson
Inclusions: a pair of 6 ft Balloon pillars, stage decors, flower clusters, floating balloons, personalized standee, table centerpieces w/ tinkerbell shaped mylar, party is here signage
Rating: 10++
I love the way Jhoanne dress up the venue. Hindi man ganun kalaki yung ginastos namin para sa decorations, with her creativity parang nagmukhang mahal ang venue! Sobrang hit ang mga decorations sa mga guests na tipong kahit hindi pa tapos ang party wala na akong makitang centerpiece sa mga tables, and even yung nasa own table namin nawala ha. Habang nag di-distribute pa lang kami ng lootbags, aba marami na kong nakikitang kumukuha ng balloons. Well, we can’t blame the guests kasi maganda talaga yung decorations. Buti na lang nakapagtabi kami ng isang mylar for Claire. Yung mga ka officemate nga ni hubby, tuwang tuwa kasi marami silang nauwing balloons. Even our ninang was impressed with the decorations kasi first time daw na naging ganun ang dress up ng Villa nila for a kiddie party.
Invitation/Tarpaulin Lay-out /Tumbler Insert--- Labor of love by my dear Sister
Ratings: 10++++++
During free times of my sister Fatima, she searched the net for a tinkerbell images and backgrounds. She combined whatever images na nakuha nya and I am proud to say na magaling ang sister ko (syempre ! kapatid ko eh) kasi maraming nagandahan sa design ng tarp and invitation. She’s the one who printed na rin the invitations.
At first we are lost on how to come up with the insert for tumblers. Buti na lang may mga nakita kaming templates sa internet, and of course through the creativity of my ever reliable sister, we a very nice and personalized insert for tumblers were made. And we are really happy with the outcome kasi sobrang na -appreciate ng mga guests namin yung tumblers.
Catering: Lita’s Catering Services --- Bulacan
Ratings: 10
Food includes fried chicken, spaghetti, pansit, pork hamonado, lengua, mixed vegetables, and lechon, soda drinks, rice, leche flan and beans. My good friend Jho, one of Claire’s Ninang, gave 8 kilos of hotdogs, and na enjoy ng husto ng mga kids ito. We don’t have ice cream, pero hindi naman napansin na kasi sobrang naaliw mga guests sa host/magician namin. Maganda rin ang buffet set up na ginawa nila, pati na rin yung skirting ng cake table, gift table and prize table. Pati nga yung mga kiddie tables may cover din. Okay din ang mga waiters nila kasi kahit halos patapos na yung event, inaasikaso pa rin nila yung mga late comers. Attentive pa rin sila. Then yung sobrang food pa, ipinauwi sa amin kahit konti na lang.
Tinkerbell Cake: Kitchen Craft through Jhoanne
Rating: 10+++
At first hesitant ako mag order ng cake kay Jhoanne, late na namin ito napag usapan. Pero when she showed me pictures of the cakes, aba aba! nag iba ihip ng hangin. At hindi nga ako nagkamali, kasi sobra kaming na-impress ni hubby sa actual cake. Even yung mga guests namin nagandahan din, gusto pa nga nilang mag pakuha ng picture sa cake after ng party kaya lang naitago na agad nila sis Jhoanne, kasi baka before we knew it cake topper na lang nasa cake table, he he he. I love the cake talaga kasi hindi lang sya maganda, masarap pa. We ate the cake the following day pa pero moist pa rin, and I even brought some sa office come Monday at masarap pa rin, kahit medyo matagal na sa ref, hindi sya naging dry. So for me sulit na sulit ang cake.
Cupcakes: Goldilocks 30 pcs chocolate cupcakes with mallows on top
Rating: 9
Supposed to be, one of my officemates will make the cupcakes as her birthday present to Claire, kaya lang nagkaroon ng problem so hindi na sya makakapag bake. What she did was, she ordered na lang from Goldilocks. Natuwa ang mga guests kasi after ng candle blowing, ipinamigay na naming yung mga cupcakes and mabilis naubos. Hindi ko na sya natikman, pero sabi naman ng sis ko, masarap naman daw.
Rating: 9
Supposed to be, one of my officemates will make the cupcakes as her birthday present to Claire, kaya lang nagkaroon ng problem so hindi na sya makakapag bake. What she did was, she ordered na lang from Goldilocks. Natuwa ang mga guests kasi after ng candle blowing, ipinamigay na naming yung mga cupcakes and mabilis naubos. Hindi ko na sya natikman, pero sabi naman ng sis ko, masarap naman daw.
Party Gown and Dress: Robinson’s Galleria and Great Kids at Trinoma
Ratings: 10
Ratings: 10
Nagpatahi kami ng tinkerbell costume for Claire, but I wasn’t too happy with the outcome. Hindi nasunod yung mga details na gusto namin for her costume and late na rin kung if we will make revisions pa. And feeling ko, there’s no guarantee na magiging maganda pa yung outcome, so three days before the party naghanap kami sa mall. May mga tinkerbell costumes naman kami na nakita pero hindi bagay kay Claire. Buti na lang may nakita ako sa robinson’s dept. store although hindi na sya tinkerbell costume, but a Barbie gown instead. I love the design of the gown, simple pero cute.
I also bought one dress for Claire sa Great kids, pamalit nya sana if mainis na sya sa gown nya or hindi na sya comfortable. Pero hindi na nya rin naisuot sa party kasi parang na enjoy nya rin yung gown dahil hindi man lang sya umiyak or nagpakita ng inis.
Piñata: Polkadots Events by Jhoanne pa rin Ratings: 9
Maraming kids ang natuwa dito sa piñata kasi maraming candies silang nakuha. Even yung mga mommies nakiagaw din ng candies. Sayang lang kasi napatid yung tali kaya hindi agad lumabas mga candies. Pero the piñata itself, maganda ang pagkagawa, nakadisplay pa nga sya sa bahay naming eh.
Loot Bags, Tumblers and Prizes : Divisoria Mall, Toys R Us
Rating: 10
Dapat 10 kasi kami ni hubby ang pumili ng mga ito, he he he. Nakakatuwa mamili sa Divi. The first time we went there, sa dami ng magaganda at kakaikot namin, hindi namin namalayan ginabi na pala kami so hindi namin nabili lahat ng kailangan. We were only able to buy the tumblers as giveaways for adults and some items for the loot bags. Sa second Divi trip na namin nabili yung iba pang prizes and tinkerbell backpacks. We also bought additional tumblers kasi baka kulangin yung first batch na nabili namin.
We also bought some toys at Toys R Us, for pabitin and additional prizes. Maraming mga magagandang items sa Toys R us na mura. Like yung isang box ng small cars na 8 pcs, 60 pesos lang. There are some pa na worth 50 pesos pero madami ng toys, so pwede mong pag hiwahiwalayin para sa pabitin.
Host/Magician: Butch Gonzales -- Hosting/Magic Tricks/Balloon Twisting/Party Games/Vent
Ratings: 10++++
I am really glad na kinuha namin si Butch! He’s not only magaling na host, dami pang alam na magic tricks, a very good ventriloquist, hanep sa balloon twisting, and super bait sa mga kids. Even us adults became kids once more while watcing his show. At the start of the program yung ibang kids nahihiya pang sumali sa games, pero with his antics pati adults gusto na sumali. All the games are very exciting and entertaining. All in one na sya talaga. Hindi kami nainip sa program, no dull moments. We will definitely get him again.
For more pictures, please click here.
1 Comments:
hi sis a fellow n@wie here and a polkadots prospect client heheh..how much was everything sa Polka? I need a rough sketch kasi nang gastos eh..
Post a Comment
<< Home